Sunday, August 2, 2015

Tagalog Sex Stories - Teacher Part 2

Chapter 6

 Nakangiting pumasok sa pinto ng jollibee ang buong varcity team ko kasama si Ms Diaz.
 Hello Mr Phantom, hinila ako ng pamankin ko dito dahil manlilibre ka daw, welcome back party. Tanong ni Ms diaz.
 Huh ee oo ata sagot ko na medyo naguguluhan.
 Tinignan ko si stephanie at ngumiti siya sabay senyas ng peace sign.
 Wala na ko nagawa, nilibre ko silang lahat, okey na din ito mas makakausap ko pa ng husto at makikilala si Ms diaz.
 Matapos ko umorder bumalik ako sa upuan namin, inayos nung crew ang table namin nagdagdag pa ng table at chair.
 Sa dulong bahagi kami naupo ni Ms diaz na magkatabi.
 Ngayon alam ko na kung bakit ka nila sobrang namiss nung wala ka, wika ni Ms diaz.
 Huh? Paano mo naman nalaman na namiss nila ako nung wala ako? Di ba bago ka pa lang, sagot ko.
 Pamangkin ko si tin-tin lagi ka niya nakkwento sa akin, kaya nung magstart na akong magturo ako ang pumalit sayo bilang trainor nila. Sabi ni Ms diaz.
 Naging varcity ka din ba dati? Tanong ko?
 Oo pero hindi volleyball sagot ni ms diaz
 Varcity ka ng ano? Tanong ko.
 Nung high school ako varcity ako ng basketball, medyo boyish kasi ako nun. Hindi naman nalalayo ang streching, drills, conditioning at cool down ng basketball sa volleyball, kaya inapply ko na lang yung alam ko sa kanila, sagot ni Ms diaz.
 Wow galing naman, basketball pa talaga sports mo, ako kasi hindi pwedeng maglaro ng basketball, sagot ko, 
 Bakit naman? Tanong ni Ms diaz.
 Kasi masyadong physical game yun, ayoko kasi ng masasaktan, mabilis akong mapikon. Sagot ko
 Ahh kaya pala ang pinili mo sports ng mga beki, biro ni Ms diaz
 Oo sports nga ng mga beki ang volleyball pero hindi ako beki, tyaka sa history ginawa talaga ang volleyball para sa mga lalaki at basketball para sa mga babae. Depensa ko.
 Oo tama ka nabasa ko din yun. Pero sure ka talaga na hindi ka bading?
 Maam hindi po bading yan si sir proven na po namin, singgit ni stephanie.
 Ohh paano niyo naman nalaman? May gf ba siya? Tanong ni Ms diaz.
 Walang makasagot sa mga varcity ko at natahimik silang lahat. Kailangan ko dumepensa.
 Sa ngayon Ms diaz wala pa ako gf, pero nararamdaman ko parating na siya. Sagot ko na may matamis na ngiti sa kanya.
 Aaaayyyyyyyiiiiiieeeeee!!!!!!


 Hiyawan ng mga varsity ko alam nila ang kahulugan ng sinabi ko, natahimik nalang si Ms diaz na hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang mga labi. Matapos kami kumain nagpaalam kami sa isat isa at nagkanya kanya ng uwi ang mga varcity ko.
 Sir Hindi mo ba kami ihahatid ni tita? Tanong ni tin-tin
 Naunahan mo lang ako, yun talaga ang plano ko, sagot ko Kay tin-tin.
 Tara sir doon po sakayan pauwi sa amin, ayos libre pamasahe ko. Masayang tugon ni tin-tin.
 Nanatiling tahimik si Ms Diaz halatang nahihiya siya sa inasal ng pamankin niya. Kaya kinausap ko na din siya.
 OK,lang ba sayo na ihatid ko na kayo? Wala ba magagalit sa akin o baka may susundo sa inyo?? Tanong ko.
 Sir wala wag kayo mag alala hmm hmmmp hmmm ahmmmp... Tinakpan ni Ms Diaz ang bigbig tintin pero patuloy siya nagsasalita, naaliw akong panoorin sila para lang silang magkapatid kung umasta.
 Tara sakay na tayo at baka abutan pa tayo ng ulan, yaya ko sa kanila.
 Medyo kumukulog na kasi nung panahon na yun.
 Sumakay kami ng tricycle at nagpahatid sa bahay nila. After 15mins, nakarating na kami sa kanila.
 Katulad ng sa amin isang compound din pala sila, magpapaalam na sana ako pero niyaya nila akong pumasok muna sa loob.
 Pinaunlakan ko na ang imbitasyon nila, naisip ko na baka eto na siguro ang Simula ng panliligaw ko.
 Okey naman sa loob ng compound nila malinis at malalaki ang bahay, Hindi katulad ng sa amin na riles nalang ang kulang squatter mode na hehehe.
 Sa pinaka dulo ang bahay ni Ms Diaz, si tintin naman pangatlo sa unahan, may bakanteng Lotte pa pagkatapos ng bahay ni Ms Diaz.
 Magandang gabi po, paunang pagbati ko sa matandang babae nagbukas ng pinto, nalaman ko ito pala ang nanay ni Ms Diaz.
 Mama si Mr Phantom Blade kasamahan ko teacher sa school, coach ni tintin, upo ka muna magpapalit lang ako ng damit.Wika ni Ms Diaz.
 Aba iho pasok, pagpaumanhin mo na kung marumi ang bahay namin, huh! Taga saan ka ba? Tanong ng nanay ni Ms Diaz.
 Salamat po, taga San ****** po ako, sagot ko
 Ee kayo ba ee kumain na? Maghahain ako at ng kayo ay makakain. Sabi ng nanay ni Ms Diaz.
 Kakatapos lang po namin salamat po. Sagot ko 
 Nandyan ang remote iho buksan mo ang TV at manood ka muna. Wika nang nanay ni Ms Diaz.
 Maganda ang loob ng bahay nila may mga picture frame sa dingding ng bahay nila na halos lahat nakasuot ng toga, bawat picture may mga medalya, halatang pamilya sila ng matatalino. May isang picture frame na sa dami ng medalyang nakasabit ee Hindi na makita kung sino ang nasa larawan.
 Tumayo ako at hinawi ang mga medalya at nakita Kong si Ms Diaz pala ang babae sa larawan. Mas lalo akong humanga sa kanya dahil bukod sa maganda siya at seksi, napakatalino rin pala niya. Wala akong binatbat sa Kanya, may mga medalya man ako halos lahat naman galing sa sports. Athlete of the year, sports achiever, best spiker. Walan nga ako maalala na nagkaroon ako ng medalya galing sa academics ee.
 Lumabas ng kwarto niya si Ms Diaz at nakita akong nakatayo at pinagmamasdan ang larawan niya.
 Baka naman matunaw ang picture ko sa titig mo. Biro ni Ms Diaz
 Hindi naman ako sa picture mo nakatingin, dito ohh (sabay turo sa lalaki naka toga) type ko sya, pagbibiro ko.
 Nake bading nga hahaha biro ni Ms Diaz.
 Oi Hindi ahh hanga lang ako sa mga medals mo, kaya Ku tinitignan, malaki siguro nagastos mo kakabili ng mga yun. Biro ko.
 Excuse me sa height lang ako kinulang, bawing bawi naman sa beauty and brain Biro Ni Ms Diaz.
 Naaliw ako sa kanya sa pakikipag biruan ibang iba siya kapag nasa school at kapag nasa bahay.
 Sa kalagitnaan ng biruan namin, biglang may nagbukas ng pinto at pumasok ang tatlong babae kasunod ang dalawang babae.
 Bunso sabi ni tintin may manliligaw ka na, aba mabuti naman at Hindi ka tatandang dalaga, biro ng lalaking mataba.
 Kuya hindi ko manliligaw yan, co teacher ko lang siya, coach din ni tintin sa volleyball. Asar na sagot ni Ms Diaz.
 Oo di ba sir kayo yung nagpa meeting sa mga parents ng mga player niyo. Tanong ng babae na medyo hawig ni tintin.
 Opo ako Nga po sagot ko.
 Mr Phantom blade kuya billy ko, kuya Nestor ko kuya Vicente ko, ate mely ko at ate Celia ko mga kapatid ko sila, mga kuya at ate si Mr phantom blade. Pakilala ni Ms Diaz
 Mr phantom umiinom ka ba? Tara inom muna tayo maaga pa naman, yaya Ni kuya Nestor
 Naku kuya Nestor may pasok pa kami bukas, pabalikin mo nalang si Mr phantom sa Saturday, di ba birthday Ni mariz? Kontra Ni Ms Diaz.
 Uiii Hindi pa nililigawan pinagbabawalan na agad, kantyaw Ni ate mely.
 Ano Mr phantom makkapunta ka ba dito sa Saturday? 7th birthday ng anak ko. Tanong ni kuya billy.
 Sige po pipilitin ko may training po kasi kami nila tintin. Sagot ko.
 Ee di after ng training sumabay kana Kay tintin, tanong ni kuya billy.
 Sige po matipid ko tugon.
 Aasahan ka namin huh. Ingatan mo ang bunso namin, ikaw pa lang ang lalaki dinala niyan dito. Banta ni kuya billy.
 Kuya ano ba?? Dun na nga kayo!! Tsupi tsupii pagbibiro Ni Ms Diaz.
 Aaayyyiiiieee!! Si bunso gustong masolo si coach hahaha!!! Biro ni ate Celia.
 Sige Mr phantom blade dun na kami baka toyoin pa si bunso paalam Ni kuya Nestor.
 Sa sabado huh!! Pahabol Ni kuya billy.
 opo!! Sagot ko.
 Pasensya kana sa mga kapatid ko huh! Wika Ni Ms Diaz.
 Okey lang ano ka ba, ang cool Nga nila. Sagot ko.
 Naging masaya ang pagbisita ko sa bahay ni Ms Diaz, nainggit ako sa samahan nilang magkakapatid, magkakasundo silang lahat at masayang namumuhay sa isang compound.
 Kinabukasan nagputuloy ang pagtuturo ko sa school naging mas close na kami ni Ms Diaz matapos ko bumisita sa kanila, bumalik sa normal ang buhay ko sa paaralan. Mas naging masigla ako sa araw araw dahil Kay Ms diaz.
 Saturday morning bago ako magpunta sa school bumili muna ako ng pang regalo sa pamankin Ni Ms Diaz, iniwan ko muna ito at ipinabalot sa isang toys store malapit sa paaralan.
 Matapos ko mabili ang regalo daretso ako sa paaralan at nagsimula nang mag training, naging maayos naman ang training namin, mas nagiging malakas na ang mga player ko kesa dati, mabilis nilang nakukuha ang mga naituturo ko, sa sobrang libang ko sa pagtuturo Hindi ko napansin ang oras, 1pm na pala at Hindi pa kami nagtatanghalian.
 Wala ba kayong planong kumain ng tanghalian? Magiging magaling nga ang mga player mo mamatay naman sa gutom!!!!!
 Isang masungit na tinig ang narinig ko mula sa likod.
 Nagulat ako ng makita ko kung kanino nang galing ang tinig na iyon...

No comments:

Post a Comment